Unano na ba yan? Op kors naman, hinde.
E sabi nga ng nung mga anak ko, pagka-uwi nya galing sa kindergarten isang araw, ‘Mama, alam mo hindi ikaw ang pinakamaliit na nanay sa kindergarten!’ Whhaaat? Ibig sabihin e na-mroblema pala sya na baka ako ang pinakamaliit na nanay dun, huh? Pero sabi nga nung anak ko, di daw ako pinakamaliit, yung nanay daw ni Kevin. E kasi naman nanay ni Kevin unano e (hindi naman sa namimintas ako ha, truly lang naman talaga).
Heniway, sa akin naman, wala ang height. Tagal ko ng sinasabi sa mga nanli-liit sa akin, di ko pinangarap na tumaas. Pero pinag-isipan kong magpahatak nung naing-ganyo akong maging flight stewardess. Na ngayong ilang beses na akong labas masok sa eroplano e di ko maintindihan kung bakit kailangang mataas ka, samantalang lahat naman ng costumer mo e naka-upo, hmmp. At kung di ko man maabot yung saksakan ng luggage sa ulunan, e pwede namang gumamit ng upuan o kaya magpa-charming ‘hmm, hi mr. pogi, *sabay ngiti at haplos sa mga armas ni pogi* I know you can help me .’ Ganon ba.
Heniway ulit. Kasi naman ka-chika ko si Maru nung isang araw; tanong ba naman nya e kung pwede ba daw dito ang unano. Hmm? Kasi daw 4’11 lang daw sya. Napaghagikgik ako ng todo, kasi parehong pareho kami ng height. Ibig sabihin, unano din ako. Hindee! Nung kinuwento ko naman sa asawa ko, ang sagot ng bruho, ‘sabihin mo sa kanya, may silya naman dito.’
Oo, matino rin ang sagot ng asawa ko. Ipaliwanag ko raw na ang unang binili nya para sa akin nung dumating ako dito sa Oy-ro-pa e yung maliit na silya na pwede kong hatakin at sampayan kapag may gusto akong abutin. Muntik ko na syang sapakin, kaya lang di ko makita yung silya e. Yun pala kasi inaapakan ko ang sinabing silya. E sempre pano ko sya maabot
Na-alala ko tuloy dun sa unang opis ko. Matino rin mga tao dun tulad ng asawa ko. Lahat kami nagkabit ng business cards namin dun sa likod ng upuan namin kasi maglilipatan ng kwarto. Pag-dating ko sa opisina nung kinaumagahan, may naglagay dun sa card ko ng “4’11” at pinalitan ng 4’9. Hay! Tino talaga ano?
Di pa tapos kwento ko. E dahil nga ako pinakamaliit dun sa opis na yon; everytime na makita nila ako hinahabol nila ako ng pencil dahil gusto nilang tatakan yung katabi kong wall at i-measure kung ano talaga height ko. Mga lintsyok na yon. Sinabi ko na ngang 4’11 ayaw pang maniwala. Dun sa ganung katinong corporate world ako nagsimula, kaya naman hanggang ngayon e ganun pa rin ang measure ko ng mga tao sa corporate world: matino na may sayad, hehe!
Meanwhile, hanapin ko muna ang silya ko at magluluto na ko *wink!