Seryus to. Mga ilang sekundo ko rin pinagisipan. Ayoko na mag-blog. Napag-isip isip ko lang naman. Mayron akong na diskobreng ibang klaseng social climbing skill. Ano kanyo? Ang mag guest sa mga radio shows, ahahahaha.
E kasi gusto ko na lang magpa-interview kay Dr. Joy sa kanyang Usapang Pinoy radio show sa Future Radio, waaahhhh
Sobrang nag-enjoy ako sa aking guesting kanina (at sana nag enjoy din ang mga naki social climb katulad nina Ambo, Reyna Elena, Karmi, BluePJ, Lovelyn, Roni, Chuvaness, Kotseng Kuba, nonblogger na si toni, Nina, sa aking kaibigang ka-Ratok (si RATOK tok) since high school na non blogger na si Liza, yung kakilala ni Dr. Joy na si Soy, naku kung may nalimutan man ako ay paki kalabit na lang ha)…. Hindi kasi halatang nag enjoy ang mga ka toto ko kasi halos umabot na yung comments dun sa blog ni Reynz sa milyones ahahaha…
Sobra kong pinag handaan yang interview na yan ha. Nagpatahi ako ng trahe de boda, nag make up, at wi nax ko nga todo ang aking glass slippers. Tapos para lalong ma concentrate ako, sumama pa talaga ako kay kengkoy sa isang misa para sa isang yumaong kaibigan. Nakiiyak ang kengkay kahit na hindi ko naman kilala yung namatay, ano ba yun. Tapos hinatid namin ang mga little kengkays sa kweba para lalong maka concentrate ang nanay nila. Sayang nga lang at hindi pumayag si kengkoy na makigulo. Pero humanda kayo, kasi pagkatapos ng aming bakasyon sa Pinas, pwede na daw sya isalang. Nagpaparinig ba ako na imbitahin ulit ni Dr. Joy, haahaha.
Mabuti nga kamo at hindi sumama si kengkoy sa interview dahil binuking ko lahat lahat sa ere. Mabuti na lang hindi nyo nakitang nag ba-blush ako, hiyaaa! Ganyan ako, sobrang mahiyain talaga – kaya nga load lang at cellphone ang unang hiningi ko e, ahahaah. At salamat din kay Ambo at Roni, na habang ini-interview ako e parehong nakikisabay ng chat sa YM at sa mga aliping tagigilid ni Reyna na binulabog ang comment section ng kanyang social climbing blog, ahahaha. Nakakabaliw. Pero ang saya saya talaga. Maraming salamat sa nakinig. At mas maraming salamat sa mga hindi nakinig, ahahaha. Maraming salamat sa mga nakigulo sa studio sa pamamagitan ng pagpapadala ng questions, statements or accussations — sayang, si Blogoloco hindi ko narinig.
Kasalukuyan kasing nabasag kung aking glass slippers dun nagsasayaw ako ng Macarena e. Ayun, naging busy tuloy akong magwalis. At sempre, kasi nag practice kami ni Ambo na mag duet ng request ni Kotseng Kuba na When I Met You ng APO; ang ganda ganda ko di ba, hahaha. Sempre yun ang press release ni Reyna di ba tapos request pa ni Kotseng Kuba. E si kengkay naman, hindi naman ako uto uto di ba? Ang lakas ng loob kong kumanta, arrrrgh. Halatang HINDI tumatambay sa mga karaoke bars. Game na game hahahaha. Nag hanap ako ng lyrics sa internet…Kaya tama lang talaga na mag goodbye ako sa blogging kasi sabi nga ni kotseng kuba, that radio show is blogging to the higher level!
Sa sunod, si Reyna na naman ang isasalang, sa Feb. 16. Makinig kayo ha. Ako nga asa Bangkok pero ititigil ko ang trapik don para lang makapakinig sa kanya. Pramis, kakabagan kayo sa katatawa ay may social climbing skills kayong matututunan, di ba
I click nyo ang link na ito para mapakinggan si kengkay.
Dagdag ko pa ito, kinopya ko lang sa blog ni Dr. Joy, ahahaha
joy Says:
February 2nd, 2008 at 8:58 pm
The Station Manager of Future Radio said that today was a record breaker in terms of messages sent! He was really pleased.