dumalaw si kengkay, kasama ang mga little kengkays, sa dati kong pinatrabahuhan.
isang malaking freight forwarding sa paranaque.
pagpasok ko pa lang ng gate, nakita ko na agad ang mga loyalista kong former officemate.
feeling ko bahay, sinigawan ko agad: hoyyyy, hampogi-pogi. at bakit naman naka-barong ka pa talaga?
naks, nang-insulto agad! pero, ganon lang yon, kapag kaibigan mo, kahit ano pwede mong sabihin. kahit pa nga ilang libong taon nang nakaraan nung huli kayong nagkita at nagkausap
sempre, bussy-bussy. hugging-hugging! utuan (si kengkay: ang pogi-pogi mo talaga, at ang macho pa).
sagot naman ni mokong, ikaw din. hindi ka nagbago, maganda pa rin at seksi!
the usual lokohan between friends, ganon.
sempre, nairita ang mga little kengkays. daldalan na naman daw. uwi na daw sila. kakabagot daw.
naghanap ako ng pwede nilang pagka-abalahan. ang una kong nakita?
katabi pala namin yung kumpol-kumpol na halaman ng santan! yipeee.
namitas ako ng isa. sinipsip ko yung dagta. kumuha ng pangalawa. pinakita sa mga little kengkays yung sariwang dagta. at sinipsip ko ulit.
na intriga ang mga bata. ginaya ako. nasarapan. inulit-ulit.
ayun, patululoy ang bolahan namin nung ka-opismeyt ko.
habang kumakapal ang bundok ng mga butil ng santan na kanilang nasipsip!
hay, gusto kong kunan ng video habang ginagawa nila yon.
parang nakikita ko ang aking sarili nung mga edad nila ako. nabubusog kami sa dagta ng santan!
natigil din ang chikahan namin. nainggit kasi kami. at natakot na maubusan ng santan.
kaya ayun, todo sipsep na rin kami!
slurp!

