Kwentong Kengkay

Pebrero 2, 2009

apir dis-apir

Filed under: Pinas,Showbiz — kengkay @ 2:24 hapon

alam nyo bang kapag umuuwi ako ng pinas e nagbibitbit ako ng mga musikang pinoy? sila ang pang regalo ko sa mga kaibigan at kamag anak ko dito sa alemanya. pero aaminin ko, mas marami akong binibili na pang bahay namin. lalo na yung mga CDs na pang masa talaga.

yung tipong parati naming naririnig sa pinas. yung tipong parati kong naririnig na kinakanta ng kapitbahay namin. yung tipong parating nakasalang sa mga videoke bars sa kanto. yung tipong alam ng lahat ng mga tsikiting ang kembot para isayaw ang mga kantang iyon. yung tipong matitililing ka na dahil parati mo na lang sya naririnig.

yung tipong bigla ka na lang ma ko-konvert kasi naging type mo na rin pala yung kantang yun, at alam mo na rin kung papano ikembot ang matigas mong katawan dahil saulado mo na rin yung steps nya, hahaha! unang nakahirit ako dyan e yung the best of VST and Co. yung kaibigan ko ba naman e pinatugtog sa kotse nya nung isang araw na nagbakasyon ako sa pinas. edi sabi ko, waaa, gusto ko ng ganyan. o yan, naawa sa kin. binigay sa kin, hehehe

tapos nagtanong yung isang kaututang dila ko, ano daw gusto ko iuwi sa alemanya – sabi ko libro o musika. ayun, binigyan ako ng side A at ng eraserheads ;D pero sempre nung nagkaisip at nakikembot na rin ang mga little kengkays? nadagdagan ang aming music genre. mas lalong naging pang masa! nag request ba naman ng kantang ispaghetti pataas at pababa! sino mang makakalimot sa otso otso? at kung ano ano pang mga kanta na pinasikat ng eat bulaga at ng kung anong noon time shows. edi sempre nalaman na rin nila kung ano ang sayaw nun.

mababaliw ako kapag nakikita kong nagkakandirit ang mga little kengkays, sa totoo lang. sabi ko, parang kilala ko yata ang nanay ng mga batang ito, hahaha. sempre nung sumikat si arnel pineda e may i buy din ako ng CD nya kahit na hindi naman ako fan ng journey talaga. pang suporta lang talaga sa pinoy musik.

at nung nakasalamuha ko sa blogging si chuckie dreyfus, edi buy din ako ng mga CDs na meron syang composed na kanta. tulad nitong appear disappear. at dahil nakipagEB sya, bitbit ko ang mga CDs at pina-otograp ko sa kanya, hehe. hindi ako nahiya. ano be, e nakipag posing posing nga kami sa tabi nya tapos mahiya pa akong magpa-otograp!

ano naman daw ang usong kanta na may kembot ngayon sa pinas? hindi ako makapagintay kung anong klaseng CD na naman ang aking bitbitin papunta dito sa alemanya! ang kyut ng CD collection ko di ba? hehehe

Mayo 25, 2008

No to 12 Steps

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh,Duon sa Amin,Hmmp,Pasaway,Showbiz — kengkay @ 10:17 umaga
Tags:

Hehehe, exkyus me ha. Showbiz muna tayo. May I cut and paste lang ako dun sa Rushes ng inquirer.net

Naintriga lang kasi ako dito sa istoryang ito:

No to 12 steps

The owner of a major food chain was shocked to see the true colors of the company’s new Image Model. On the very day of the contract signing, IM refused to climb the 12-step stairs at the company’s headquarters. As a result, the company had to rent another venue for the event.

Zinu zya? Pakibulong naman sa akin kung sino yan. Napanganga ako kasi über OA naman yang batang yan. Gusto ko syang makilala para madilat ang mata nya sa mga kaartehan nya sa buhay. Minsan talaga, porket sikat ka at habol ka ng mga tao, akala mo na pwede ka ng mag inarte. Hindi nya alam, na ang lumingon sa pinanggalingan at yung mga umaakyat sa 12 steps ang mga tunay na nagwawagi at nananatili sa tuktok.

Pero mabalik tayo, sino nga yung tema-arts na model na yan?

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers