Kwentong Kengkay

Setyembre 1, 2007

TGIF kayo dyan

Filed under: Tatlong Buhay — kengkay @ 10:49 umaga

Porke’t Biyernes at kasu-suweldo lang, biglang nawala ang ingay sa ere. Am sure, ang mga kakosa sa ere e nag-eenjoy sa mga kainan, inuman at sayawan; kasama ng mga besprends, di masyadong bresprens, ka-opismeyts, kakulitang pinsan, kabeso-beso sa sosyedad.

Hmmp, nang-iiggit ba kayo? Sempre na inggit ako. Kasi dati, wansapanataym, ganyan din ako e. Ang TGIF namin nagsisimula sa Wednesday pa lang. Laban kayo? Dun sa opis ko sa Pasay, gamit pa naming eksyus ang trapik. Kaya sabi namin e tambay muna tayo sa Trellis (nung dating normal pa ang fort boni). Sisig at Cali at kwento, masaya na kami. Kahit pa di naman ako apektado ng trapik at napalayo pa ang pag-ikot ko pauwi ng bahay.

Nung nag-trabaho naman ako sa Makati. Ayos, lakaran lang ang gimik. Kaya naman tuwing tanghali e kahit pawisan, nakisiksik sa mga fastfood sa Greenbelt o kaya Makati Square o kaya Quad. Oo, yung dating normal pa sila. Tapos sa gabi, palipas din ng trapik, tambay naman sa Greenbelt Mcdo. O kaya dun sa bahay kubo na gotohan sa pagitan ng McDo at Greenbelt theater.

Nalipat naman ako sa may Mandaluyong. Hay enjoy ako dun kasi bukas na ang Shangri-la at SM Megamall. Not to mention yung mga tindahan at kainan sa Shaw at Pioneer. Naki-join din ako sa mga news desk sa Pier. At nakipagpatintero sa mga tenwheelers. Pero dahil medyo sosyal yung mga nakahalubilo kong news pipol e ang tambayan namin e balik Mandaluyong. Tapos bigla akong napunta sa Maynila, sa may Taft lang naman. Demoted ako sa kanto, dun sa barbekyuhan ni manang. Pero, akin ang huling halakhak. Mula kay manang ay nabigyan ako ng boss ko ng passport patungong Thailand! Sawasdee kha!

Yun, dun sa opis ko sa Bangkok; mas sosyal ang kainan namin. Kasi sa kalye kami kumakain; sabay ng ihip ng hangin mula sa mga bus at taxi at motorsiko at ingay ng tuktuk. Nyek. Pero oks lang, Thai baht naman ang asa wallet ko. Pero teka, dati e halos pareho lang ang value nun sa pesos e, hmm. Sarap ng TGIF ko dun. Lalo pa nung na-assign ako na umikot sa mga tourist spots ng Thailand. Monday pa lang e TGIF na ako. At mas lalo nung nalipat ako ng assignment sa Pattaya. Dun, everyday TGIF talaga. Kasi nga asa gitna na ako ng tourism area at ihip ng dagat at gud taym ang kasabayan ko. Tsalap-tsalap talaga.

Sempre, ang paraiso may ending rin. Balik Pinas ako at nakahanap ng trabaho sa isang hotel sa may Manila Bay. Ayan, tutok TGIF talaga. Pa-glamor, pa-kyut; kaso nag strike. Appear ang beauty ko sa abs-cbn, hay…di ko ma-take kasi biglang naging selda ang aking glamor life. Walang uwian. TGIF bawat secundo. Time to go. Lipat naman ako dun sa sister company na may resort sa Cavite. Ay, tsalap din buhay dun. Resort nga e. Enjoy trabaho ko kaso mo may nang-gulo sa buhay ko. Alsa balutan at balik Bangkok ako. Resort din pero asa tindahan ako sa Bangkok. Pero kapag naki-join kami sa chikahan sa resort, libre lahat – pagkain, bar hopping, dancing, good time! Yum!!

E may na-offer ng mas maraming Thai baht sa isang hotel naman sa Bangkok. Lipat ulit. Easy to get ako basta adventure ang bigay e. TGIF na naman. Barkadahang gud taym. Kahit saang sulok — sa kalye, sa palengke, sa kanto, sa hotel, sa bar, sa tindahan, sa shopingan, sa apat na sulok ng mga rentang kwarto namin.

Nag ending kasi lipad ako sa Oy-ro-pa. Naging nanay. Ang TGIF ko di na gimik. Kundi grocery shopping. Enjoy din naman ako. Pero nung napaparami ang ka chika ko sa ere, esp sa WP Pinoys, bumalik ang simoy ng dating TGIF ko. Hmmm…*inggit.

Pero di bale, sagad naman ang gimikan ko nung single pa ko. Kuntento na kong itaas ang paa ko sa sopa at manood ng tv kapag Biyernes. Kasi weekend e TGIW naman! Thank God it’s Weekend.

Lakwatsa time. Weeee…sakay kotse at ikot ikot kahit saan mapunta. Boink!

Agosto 21, 2007

Pista, Parada: Ang Kwento

Filed under: Dito sa Amin,Tatlong Buhay — kengkay @ 2:59 hapon

Dito sa amin, uso din ang piyestahan. Kung sa atin e dalawang araw ang piyesta, tatlo kasama na ang bisperas at apat kasama na ang hang-over; dito naman e opisyal na apat na araw talaga ang pistahan. Simula ng biyernes tapos ng lunes. Maraming ka-dramahan din kapag pista. Lamonan, inoman, chikahan, ikutang karusel, rambolan sa bump car, pataasan ng lumbay sa swing, tilian sa kung ano mang rides na nakisali. At sempre, may simba din.

May mga bandang makulay, mga mga reyna koronahan, may mga pa-kontes sa hari ng lasingan, may mga magastos na peryahan, mga pagkaing kulay o dami ng asukal lang ang pinagkaibhan, ang mga pagkaing may taba at sobrang may taba lang ang pinagkaibhan, ang mga inuming nakakalasing o nalasing dahil sa gastos. At nung parada naman ay daming libre: libreng beer, libreng wine, libreng finger foods; umulan ng candies, umulan ng lobo, umulan ng shampoo, conditioner at lipsticks. Kahit na mabukulan ka sa mga sandamukal na libreng tinatapon ng mga kasapi sa parada, walang pikunan; kasi nga, libre e. May basaan pa nga, pero okay lang din. Game lahat. Masaya. Magulo. Daming hiyawan at kantyawan. Yung mga anak ko nga, di na mabitbit yung bag nilang umaapaw sa dami ng kendi e. Para namang kakainin nilang lahat. Ayan, nilagay ko nga lahat sa balikbayan box, may makikinabang pang ngipin sa Pinas. Sayang naman kung itapon lang, diba?

Ah basta… tingnan nyo na lang ang mga kakodakan dito. Ako ayoko nang tingnan at naumay na ko. Kayo naman ang maumay. Unang araw pa lang e nahilo na ako kaiikot sabay ng ikot ng carousel ng mga anak ko. Mga milyong beses yata silang nagpaikot ikot e. Unang araw pa lang yon. E tatlong araw kaming present sa pistahan ano. Muntik ng mamilipit ang leeg ko kasi dapat may i kaway ka din sa kanila di ba, at sabay ngiti pa. Pero di bale na, kasi tatlong araw din akong libre sa harap ng kalan. Walang lutuan, kasi sa pistahan kami lumafang e. Ang di lang maganda, dito walang bisitahan sa bahay. Bayaran ang bibisitahin mo, hehe.

Share ko mga kapiktyuran. Pilit ko ring inisplika kung anong mga pangyayari sa mga kodaks na ito. Mag-enjoy kayo dapat ha. Tagal kong pinaisipin at pinagkunutan ng noo ‘to. Medyo feeling galeng na rin ako sa mga pinag-gagawa ko rito. High tech na rin kahit na daming kinulit para matapos to. Salamat sa mga nakikulit ha.

Eto ang unang araw, may parada.

Eto naman ang pangatlong araw, may parada ulit.

Ato ang pictures ng pang-apat na araw, pagod na.

Agosto 16, 2007

Amoy Patis

Filed under: Patawa,Tatlong Buhay — kengkay @ 8:20 hapon

Nagpag-uusapan na rin naman ang kaamuyan dahil kay manay malu, i-kwento ko na rin itong aking masaklap na karanasan. Huhuh!

Edi ba nga nag-trabaho ako sa Thailand? Nope, di ako nakapasa sa mga stage antics sa Patpong at sa Pattaya Beach, tsssk! Kasi naman mas maganda at mas seksi pa ang mga linstyok na Thai transvestites sa akin e. Heniway, balik tayo sa amoy. Kapag asa Thailand ka, ang una mong mapapansin e ang amoy. Di mo maintindihan kung napasok ka ba sa isang herbal factory or sa isang kweba ng kuba — kasi ibang klase talaga mare. Di mo alam kung ma-hatsing ka ba or masuka or mabuwal or lahat lahat na yan. Pero kung magtatagal ka dun, edi masanay na rin ang sikmura mo. Ang ilong mo at ang buong katawan mo. Ang amoy nila e halong sili, lemon grass at pollution. Yan ang napili ko kasi kadiri yung ibang naisip ko e, whoarrr!

So, minsang medyo naka-inom na ang barkadang makulay sa Bangkok. Makulay kasi ibat ibang lahi kami e. Lasing na ako dahil sa dalawang basong ginger ale na nainom ko, hikkk! Napag usapan namin ang amoy. Ang amoy ng mga puti ay tungkol sa katawang mabalbon nila, ibig sabihin ba non e may amoy ang balbon nila? — yakkk. Ang amoy ng mga itim, kili-kels naman. Ang balbon nila sa kili-kels, yaaaak ulit. Ang mga Thais naman, e yun ngang halo-halo ng kanilang pagkain. Dahil sa amoy ng mga damo’t mga tinataktak nilang kung ano ano sa lutong bahay at lutong kalye nila. Ano naman daw ang amoy ng mga noy-pi? Amoy patis! Ganun, amoy patis daw tayo oh.

Bigla kamong taasan ng kili-kels ang mga kababayan ko, inamoy amoy ang sarili nila. Hahaha. Para bang patis ang naipahid nila sa kili-kels nila. Sinaway ko nga. Sabi ko huy, ibaba nyo kili-kili nyo. Baka mapansin nilang TOYO talaga ang amoy na yon, nyahahaah!

Hmmp, di lang nila alam, masarap yata ang patis.

Agosto 9, 2007

Plastik Bag

Filed under: Tatlong Buhay — kengkay @ 1:15 hapon

Natawa ako sa asawa ko nung isang araw na nagpunta kami sa isang discount store na malapit sa amin. Kasi nagreklamo sya, bakit daw may bayad yung plastik bag. Edi ba libre daw yon? Aba, ang sagot ko sa kanya — ako alam kong may bayad yon. Kasi nga, discount store lang sya. Super mura, pati quality! Ibig sabihin, gagawa at gagawa sya ng paraan para kumita, kung di man siya kikita dahil sa mga tinda nya; e kumita sya sa kanyang extra service. At kasama na don ang plastik bag.

E ito namang asawa ko sarap kutusan. Para namang di nya alam na sa lahat halos ng grocery stores sa paligid namin e may bayad ang plastik bag. Kaya nga parating may sariling bag at basket ang trunk ng kotse namin, di ba? E iba na ang usapan kapag sa mga malalaking department store, talagang libre ang supot don. Naman, e doble din kasi ang presyo ano. Aba, kung babaan ba nila ang presyo kapag may sarili kang plastik bag, siguradong dun na ang punta ko!

Samantalang nung asa Bangkok ako, kapag grocery time (tuwing sweldo lang naman); at kapag shopping time (kapag may sale) ilang libong supot ang na-ipon ko. Libre kasi. Gamit ko sila para i-damit sa garbage can. Kadiri yatang linisin kapag napunta ang dumi sa mga kanto-kanto, ang baho pa, yuk! Gamit ko din sila para bitbitin yung mga ipapa-laundry ko. Minsan lang naman, kasi sayang din ang pera ano. Ako na lang kusot. Mini naman halos lahat ng damit ko. Mini-dress, dahil sa liit ko. At yung mga (pa) sosyal na supot? Naku, tinatago ko sila. Kakahinayang, lalo pa’t kung di sila halos gusot. Minsan nga sila na lang laman ng aparador ko e. Hmm, pwede ko siguro silang ibenta rin dito? Tssk, sayang, huli na nung naisip ko yon.

At sempre nung asa Pinas naman ako, sandamukal din ang supot don. Eh libre nga kasi. Kapag feeling mag grocery sa SM, sa Rustan’s, sa Landmark, sa Gotesco, sa Ever; pati sa shoppingan, sa SM ulit, sa Robinson’s, sa Rustan’s ulit, sa Landmark ulit; ay ano ba yon. Kapag si tatay o si nanay ko ang naglalabas ng basura, kala mo e meron sa aming nag-ta-trabaho dun sa mga tindahan na yon. Kasi halos isang buwan bago ma-ubos ang grocery bags samantalang ang grocery e umabot lang ng wala pang isang linggo. Teka muna, baka may butas yung bag, huh? Bakit kaya ngayon ko lang ulit naisip ‘to? Huli na ang lahat, arrgh!

Huling salita: Napansin nyo ba na nung sa Pinas e si tatay at nanay ko lang ang laglalabas ng basura? E kasi kadiri nga ano. E napansin nyo rin ba na nung asa Bangkok ako e ako na mag-isa ang naglalabas ng basura? E kasi kadiri man, wala dun si nanay at tatay ko.

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers