Kwentong Kengkay

Pebrero 9, 2008

Kulam sa Pag-Ibig

img_0061.jpg Mga ka-blog, eto ang aking munting regalo para sa darating na Balentayms; medyo agahan ko na kasi nga baka malimutan ko pa syang i-share sa inyo bago kami mag fly away e.

Ang librong ‘Mga Panibagong Kulam sa Pag-Ibig’ na sinulat ni Tony Perez. Kakakilit ang taytol nya di ba? Mas nakakakiliti kapag binuksan nyo at sinumulan ang pagbabasa. Gusto nyong silipin?

Meron syang pahina ng tungkol sa paggamit ng librong ito. Bakit? Dahil may 52 kulam na pag-ibig na nilalaman ang librong ito. Kasama sa 24 ay tungkol sa ‘Mga Pangkalahatang Kulam sa Pag-ibig’; 28 ay ayon sa ‘Mga Kulam sa Pag-ibig na ang Layon ay Partikular na Tao, Kakilala Man o Hindi.’

O ayan, sigurado ko andami nyo ng tanong. Pero maraming kailangang gamit at mga dapat gawin. Hindi ko na iisa-isahin pero eto ang mga paunang kailangan: extra virgin olive oil, asin, altar. atbp; sa sarili dapat may kapayapaan at mabuting kalooban – kasi nga kulam ng pag ibig itong gagawin mo di ba?

Eto ang mga sumusunod na bahagi ng bawat kulam sa librong ito: Bilang at Pamagat, Mga Kasangkapan, Pagtatalaga ng mga Kasangkapan, Pagkokonsagra sa Magica ng Kasangkapan, Ritwal, Orasyon, Tala o Mga Tala. Ang daming dapat gawin di ba?

At eto ang sample ng mga kulam sa pag ibig:

Heart Box: Para Ibigin ka ng Tunay mong Minamahal
May Nalalabi Pang Mga Halik: Para magkatotoo ang mga kahilingan hinggil sa pag-ibig
Sa Bisperas ng mga Araw ng Puso: Para magkaon ng manliligaw
First Aid Para sa Pag ibig: Para pagalingin ang sugatang puso

Nung una kong binuklat itong librong ito, medyo na curious ako. Tapos medyo nag alinlangan. Pero ngayon, wala lang, isa lamang syang libro na may kakaibang paksa. Kayo, ano sa tingin nyo?

O ayan lang muna, kung may gusto kayong itanong; bulong nyo lang. Kung gusto nyong itanong kung ginamit ko itong librong ito kay kengkoy, ang sagot ko kay hindi. Nakulam ko na si kengkoy nakasal na kasi nung may nagregalo nitong librong ito sa akin e. Binabasa ko lang ng pa-unti unti itong librong ito kapag naka-upo ako at doing my private business, eksyus me :D

Pebrero 7, 2008

Empake Time

Kahapon e nag-simula na akong mag empake. Mahirap mamili ng dadalhin. Kahit na nung isang taon pang nakahiwalay na yung mga gusto kong dalhin na mga damit at gamit namin.

Yung mga damit ng mga bata, kailangan ko uling tingnan kung kasya pa sa kanila. Yung mga damit ko rin, may mga ilang sinukat ko muna bago ko itiniklop. Yung iba hindi na kasya; sempre tinabi ko muna kasi baka pumayat pa ako, hmmm :D

Dalawang malaking maleta ang dala namin, isang maliit at isang bag na para sa isang normal na balikbayan box. Yung isang malaking maleta e napuno na ng mga damit namin. Hindi pa kasama dun ang mga underwears, yun ang isa sa mga huling pinapasok sa maleta, di ba? Wala pa rin yung mga toiletries at sapatos dun. Pero naman, halos limang linggo kami sa Pinas di ba? Konti pa nga yung dala namin e.

Yung pangalawang malaking maleta e mapupuno yon ng mga padala, pabili, regalo, pasalubong, yung aming mga anti-treatment program at kung anong anik anik pa. Yung maliit na maleta ay may chance na sumama ng walang laman. At yung isang malaking bag ay nakatiklop yon na sasakay ng eroplano. Mapupuno na lang sya paguwi namin, parang magic, hehe.

Kaninang umaga ayaw na pumasok ng mga anak ko sa kindergarten. Natatakot na silang maiwan dito. Kasi nga, naka empake na si kengkay e. Pumayag kaming hindi sila pumasok, pero bukas, dapat balik kindergarten na ulit sila. Kailangan lang ng konting himas at malaman nilang, kasama talaga sila.

—-

P.S Pwede kayong manalo ng 10,000 pesoses basta maki social climb kayo sa pamamagitan ng pagsali sa logo contest na ito. Deadline Feb. 16, kaya sali na!

Pebrero 1, 2008

Cinderella si ako

Filed under: Aruuuhh,Dito sa Amin,Europe,Hmmp,Kwentong Nanay,Oyropa Ko,Trabaho Lang — kengkay @ 9:09 umaga

Nagkakaripas ako ng takbo kaninang madaling araw, muntik pa mabasag ang aking plastik na sinelas. Ako kasi ang isa sa mga huling umalis sa dance floor ng Costume Ball kagabi, hahaha. Nilubos lubos ko talaga. Nagwala sa dance floor ang naka-puchang si kengkay.

Pero seryus lang, eto ang isa rin sa dahilan kung bakit ako madaling araw na umuwi (aside from being a dancing queen) — kasi meron akong binantayan na isang nanay e. Mickey mouse ang costume nya. Mabuti nga at super ang make up nya kaya hindi sya kilala ng mga tao. Kasi… nalaseng ang daga, waaahhh. Napansin ko kasing bote bote ng vino ang parating bitbit; e dalawa lang naman sila naghahati, yung kasama nyang cowgirl. Paminsan minsan e tinatagayan din nila ako. Pero kasi meron ang isang boteng mineral water sa harap ko, kaya may chaser ako di ba. O ayun, nung uwian na, hindi na makatayo ng husto ang daga. Nagpaiwan na nga ako sa mga kasama ko kasi nakikita ko na ang mangyayari; at nangyari na ha. Tinulak ko silang dalawa agad sa isang madilim na sulok. At dun na nangyari — akkkkk, aakkkkkk, aakkkkk

Alam nyo na siguro kung ano ang ibig kong sabihin; lalo na sa mga tomador dyan, hehe. Teka, bakit kaya alam ko, ibig bang sabihin e isa rin akong tomador, hmmm. Mga sampung minutong ganon lang ang drama nya, mabuti at hawak sya nung kasama nya. Mag nagyayang ihatid sila; pero hinindian nila. Mabuti na lang kundi, linis kotse ang nangyari. Antay pa rin ako. Sabi ko dahan dahan na silang maglakad pauwi. Kasi kung taxi, sarado na kapag alas dos. Wala ng service. At kung may dumating man, siguradong tatanggihan din sila kasi nga lasing na lasing e.

So sabi ko lakad na ng pakonti konti dahil wala ng ibang magagawa pa. E ayaw kumilos dahil nahihiya daw sya kasi daming nakakita sa kanya. Hay ano ba yon… ngayon pa talaga nag isip ng kahihiyan. Sabi ko lahat ng tao e naguwian na. At pina-alala ko sa kanya na naka-make up nga sya di ba? O ayan, pasuray suray na naglakad ang isang dagang lasing at isang cowgirl na medyo lasing. Sana nakauwi sila ng maayos sa bahay. Sa totoo lang, nung hindi pa ako nanay, palaban din ako sa ganyan. Pero ngayong nanay na ako, parang pagiisipan ko muna. Although itong si kengkoy e tuwang tuwa kapag alam nyang tipsy na ako; e pano pa kaya kapag lasheng na talaga ako? Ayokong malaman.

Nakarating ako sa bahay ng gustong gusto ko ng hubarin yung aking glass slippers, aray ko. Pochamos, ang sakit ng sakong sakong ko. Di bale na, sarap naman mag-sayaw, hahaha. So ayun, balik Cinderella na si kengkay. Nag shower at nagpalit ng duster dahil naghanda pa ako ng baon ng mga bata para kinabukasan, nag walis walis, nag imis-imis, nag tiklop ng labada, at kung ano ano pa.

Parang panaginip lang ang aking Costume Ball na pinuntahan, hayyy. Kaninang umaga, alas siete pa lang gising na mga little kengkays. Niyugyog ako sabay sabing, ‘nanay kengkay, magkwento ka kung ano nangyari kagabi.’ At narinig ko rin ang telepono, sumagot ang answering machine, si kengkoy, na ang sabi naman ay ‘sorry darling, kailangan kitang gisingin kasi ihahatid mo pa ang mga bata sa kindergarten.’ Arrrrgh :D

Atsaka na ibang chika dahil maglalako pa ako ng cakes sa kindergarten.

Enero 30, 2008

Guest si Kengkay sa Usapang Pinoy Radio Show

At dahil na insecure ako ever sa chismisang nangyari sa ere kina Reyna Elena at Dr. Joy at sa mga aliping sagigilid habang ako ay walang malay nag nag-aaruga ang aming special honorable guests sa bahay… pinagpilitan ko ang sarili ko na maging dakilang panauhin din sa sa Usapang Pinoy sa Future Radio UK. Habang nagpapainit ako ng tubig para ibuhos sa Lucky Me Bulalo Soup ko ay nagbobolahan kami ni Joy sa telepono at biglang meron akong karapatan biglang mag guest sa kanyang radio show, wohhhhhooo.

Kaya bilib ako sa aking motto e ‘dream the impossible coz impossible dreams do come true’ — well, hindi ako nananaginip; at hindi rin ako natutulog ng gising at hindi ako nang-ookray (wala lang, bagong salita na nakakakiliting isulat). That impossible dream would be coming true as I would be the guest at the pinakasikat ever na radio show sa buong Oyropa, Usapang Pinoy, this coming Saturday, 02 February at 3 pm UK time, 11 pm Manila time, 4 pm German time at kung ano man time meron kayo sa inyong sulok ng mundo, pwede paki kompyut-kompyut na lang, hehehe…

Basta i-click nyo lang itong Future Radio UK . Pwedeng makinig lang kayo, pero mas masarap kung maki-chika tayong lahat sa pamamagitan ng pag-click ng Studio Messenger na matatagpuan sa may bandang itaas ng website, at pwedeng mag phone in question. Basta wag lang mahirap at walang kinalaman sa matematika ha, hahaha.

Oo, si Kengkay ang panauhin sa Usapang Pinoy eto nga ang konting chika:

Anyway, it’s official mga kabisyo! The Queen of Buckingham Palace had requested that the Queen of Vacklingham Palace be allowed on the Brit Airwaves once again, together one another for the second time around once more forever to make Prince Harry happy. And so, Future Radio UK has officially invited the stunning me and me alone, to guest the uber super ever ever Usapang Pinoy Show of the beautiful Dr. Joy Barredo who only beat me by one shower and one and half bath soap. Join us on February 16, 2008 at Future Radio UK, 96.5 FM.

Ooops, ayan, napansin tuloy na nangongopya lang ako, ahahahaha. Si Reyna Elena ang bulaklaking guest sa Feb. 16 at si kengkay naman ang makabagbagdamdaming makakapanayam ni Joy ngayong darating na Sabado, 02 February. Ano daw ang pag-uusapan natin? Ang buhay buhay ng mga Pinoy sa loob at labas ng Pinas at kung ano ang maitutulong natin para sa ating bansa… actually ako lang nagsabi nyang mga topics na yan para naman hindi ako masyadong mabulag-pipi-at bingi sa mga oras na yon, hahaha.

Okay, magshopping muna ako ng trahe de boda para sa Sabado (oops, radio nga pala yon, haha) at ihahanda ko muna ang kweba kung saan ko itatago ang mga little kengkays at si kengkoy sa Sabado. Kasi kung hindi, hiyawan lang ng mga anak ko at malulutong na halakhak lang ni kengkoy ang maririnig nyo :D Basta ha, kita kits tayo sa Sabado, ika-2 ng Pebrero at 3 pm UK time sa Future Radio UK . Sige na, makinig na kayo. Plis lang, pramis, kakaway-kawayan ko kayo habang nasa ere na ako.

Okay, alis muna ako. Mag-iipon muna ako ng maraming inglis at tagalog at medyo kakalimutan ko muna ang aking aleman.

Enero 27, 2008

Sa Pagitan ng Iyong mga Hita

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh,Hmmmm,Kaibigan,Pasaway,Seryus,Trabaho Lang — kengkay @ 10:41 umaga

Game na ba kayo? Game na! Isa itong tagtagan na galing kay Reynz kasi tinadtad sya ng goooogeeel ng pagkadamu-damung duling na zero, wahahahaha. Isa na syang butata. Hindi na sya pwedeng mag reyna reynahan ngayon sa PePePe dahil ang tunay na reyna at hari at aliping sagigilid ay ang gooooooogeeeeel. Tinamaan ang kanyang page rank, naks, kunyari pa daw si kengkay na naintindihan kung ano itong page ranking na ito; basta yun na yun… ang naintindihan ko lang dito e na-tag na naman ako. At dahil easy to get si ako, at dahil mukhang masaya itong tag na ito, join naman ako, di ba?

The rule:

Dedicated to Google, write three sponsored ads you wrote and add “Between your legs” to the title. Put a link from the entry to make sure it’s real.

Extra ako sa tag na ito kasi eto nga sabi ni Reynz ’10. Kengkay (i know, wala kang PPP, yong mga unan na lang ang idagdag mo between your legs! hahaha)’ O ayan di ba, pwede akong gumamit ng unan between the legs, ahahaha… E bakit ko naman kailanganin ng unan e meron akong magagandang sagot dyan sa tag na yan ano. At sila ay sponsored ad ng kwentong kengkay sempre…

1. 4’11 Between Your Legs

2. Go Home and Plant Camote Between Your Legs

3. 365 Ways to Make Love Betwen Your Legs

Pero sa totoo lang, ano ba talaga ang magandang ilagay sa pagitang ng ating mga hita? Hmmm… Ako gusto ko yung matigas, tipong ipagmamalaki mo ba lalo na at may mga nakakita. Naku, kung may ganon ka, bakit mo ikahihiya. Medyo mahirap din ilagay ang nais kong iyon sa pagitan ng aking mga hita. Hindi madalian yon; dapat dun ay may oras ka – araw man o gabi. Kasi trabaho talaga yon. Pero kahit na, masarap naman kapag nahuli mo na sa pagitan ng iyong mga hita — ang kumikislot-kislot na… muscles. Oo, mag work na nga at ng hindi na panaginip lang ang gusto kong ilagay sa pagitan ng aking mga hita, weeheheheeh.

Nga pala, dalawang malapit sa akong buhay ay may balak na tumahimik o gumawa ng eskandalo: depende kung anong tingin nyo, si ambo at si reyna — ahahaha… Punta kayo sa blog ni Pinay in England para mapagisipan nyo kung ano ang balak nyong ihandog para sa kanilang engagement na magiging dahilan para ipasara ang lahat ng kalye sa buong mundo dahil alam nyo na, iba na ang sikat, wahahaha…

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers