Kwentong Kengkay

Hulyo 6, 2011

shocking sa pinas

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 8:13 umaga
Tags:

shocking para sa mga banyaga :-D

- tabo – e meron naman daw tisyu
- balde – e shower di ba?
- igib – ngak, walang tumatakbong tubig (running water)
- mag-init ng tubig para paligo – e ang init na nga daw
- isaw – bituka na inihaw? yucks!
- balut – ibong pipit kakainin? yucks, din!
- adidas – paa ng manok? yucks, pa rin!
- asong pulutan – animal crime daw
- pusang siopao – ano ba naman yan, musang daw yun talaga!

mabuti na lang wala ng bayad yung cart sa airport :-D

may dagdag kayo?

Hulyo 1, 2011

bawal na ang Pinay maids sa Saudi?

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 5:49 umaga
Tags: , ,

RIYADH—Saudi Arabia announced Wednesday it would stop granting work permits to domestic workers from the Philippines and Indonesia, following hiring conditions imposed by the Asian countries.
The ministry of labor said it would “stop issuing work visas to bring domestic workers from Indonesia and the Philippines, effective from Saturday” due to “the terms of recruitment announced by the two countries,” according to a statement carried by state news agency SPA.

“The ministry’s decision coincides with its great efforts to open new channels to bring domestic workers from other sources,” said the statement in English quoting the ministry’s spokesman Hattab bin Saleh al-Anzi.

Nainis ang Presidente ng Indonesia na si Susilo Bambang Yudhoyono dahil sa pagputol sa ulo ng isang Indonesian maid at inakusahan ang Riyadh ng pagwasak sa “norms and manners” of international relations. Ayan, edi signal na nga iyon nang nangingitngit na galit ng bansa dahil sa mga maltrato sa mga manual laborers nito sa mga Gulf countries; idagdag pa ang mga patayan na nangyayari. Kaya may moratorium sa pagpapadala ng trabahador papunta ng Saudi galing Indonesia.

Mantala, ang Pinas at Saudi Arabia naman ay nagbabangayan din dahil sa working conditions ng mga Pinay domestic workers sa Saudi. Nanghingi ng pay increase ang gobyerno natin, pero no way daw sabi ng Saudi. Sayang naman ang kanilang pagiging oil rich country, baka daw, maging poor country sila kapag ang budget nila ay mapunta lang sa pagbabayad sa kanilang housemaids.

E magkano naman kaya ang increase na hinihingi ng Pinas? Sa ngayon ay 210 dolyares ang bayad sa mga maids, sabi ng Pinas pretty please??? Gawin ninyong 400 dolyares? Hindi pwede!!! Yan ang sabi ng Saudi. Wala silang budget kahit na oil rich country sila.

Ang sumamo ng Pinas, pwede rin bang ipakita ninyo sa mundo na maayos ang tirahan at ang pagtrato ninyo sa mga Pinays na gumagawa sa inyong bahay? Na nagpapaganda ng inyong bahay, na naglilinis nito, na nang-aalaga ng inyong mga anak, na nagpapaligo sa inyong mga bulinggit, na nagluluto para sa inyo, na nagbabantay sa inyong mga ginto???

Na shock ako na 210 dolyares o mga less than 10 thousand pesoses lang ang tinatanggap ng mga kasama sa bahay sa Saudi ha. Iiwan nila ang kanilang pamilya, ang kanilang mga mahal sa buhay, ang mga bagay na kilala nila — para lamang abusuhin dun sa oil rich country? Tapos kakarampot ang kita, na lahat ipapadala pa nila sa Pinas. Ano matitira sa kanila? Yung pagkain na tira ng amo nila? Andun sila para magtrabaho at hindi para gawing hayop ano.

Sana ipagpatuloy ng gobyerno natin ang kanilang stand — itaas ang sweldo at maayos na trato para sa mga Pinoy — kahit na anong trabaho pa nila! Heroes nga ang mga OFWs, di ba?

Hunyo 24, 2011

akala ng mga OFWs heroes sila? hinde!

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 12:01 hapon

ako po ay dati ring OFW kaya alam ko ang feeling ng pilahan sa clearances. panahon pa ni kopong-kopong iyon pero nakapagtataka na hanggang ngayon e hindi pa rin alam ng POEA kung papano ayusin ang pilahan na ito ng walang mauubos na oras. ng walang hassle… good luck, OFWs!

Basahin ang article na ito: na galing sa http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=698968&publicationSubCategoryId=63

POEA adopts new travel clearance procedure for OFWs
By Mayen Jaymalin (The Philippine Star) Updated June 23, 2011 12:00 AM Comments (66)

MANILA, Philippines – Shorter lines but longer waiting time awaits returning overseas Filipino workers (OFWs).

To keep the queues of vacationing OFWs short, the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) has adopted new procedures and processing of the mandatory travel exit clearance.

“The new procedures would allow our OFWs to efficiently manage their time in securing travel exit clearance by adjusting the processing time in two phases,” POEA chief Carlos Cao Jr. said.

Under the new POEA policy, all returning OFWs shall submit the application and all the necessary requirements in securing exit clearance before the POEA for appropriate evaluation.

If all the documents are in order, the POEA would issue a claim stub to the OFW, who shall then return the following day to get the necessary exit clearance.

Cao advised all returning OFWs to properly observe the processing time and apply for the exit clearance ahead of their flight schedule or actual date of departure to avoid inconvenience.

POEA officials admitted that many returning OFWs were displeased by the long lines when applying for exit clearance while vacationing in the country.

An average of 3,000 returning OFWs come to POEA daily to secure the exit clearance. The figure even doubles during the Christmas holidays when a huge number of OFWs opt to go on vacation.

ano sa tinginin ninyo? sabi ko na nga ba e, joke lang yung sinasabi nilang heroes ang mga OFW. ayan na ang katotohanan, OFWs are being discriminated. pinahihirapan lumabas at pumasok sa sariling bansa. pinagbabayad ng kung ano-ano, pinapipirma ng kung ano-ano, pinapipila ng kung ano-ano. pinagpapabalik-balik, sinasayang ang oras. e pwede namang gawing simple ang lahat.

e kung ang bakasyon kaya e tatlong araw lang? tapos yung dalawang araw pa na yon e uubusin sa pagpila para ayusin yung papeles para makalabas ng bansa? aba, sayang naman yung bakasyon na iyon di ba? edi huwag na lang umuwi, ipadala na lang yung pera. o kaya naman, sa ibang bansa na lang magpunta, wala pang hassle. pero teka, edi ba nga ang sabi e. ‘The new procedures would allow our OFWs to efficiently manage their time in securing travel exit clearance by adjusting the processing time in two phases.’ ano kaya talaga ibig sabihin nila dun, huh?

kung ang OFW ang tatanungin, mas alam nila kung papano to efficiently managed they time – huwag ng dumaan sa mga ganyang pilahan, listahan, istampan at kung ano ano pang nakakaubos lang ng oras. at dahil heroes sila, di ba nga? — so dapat merong silang special privilege dahil sila ang sa mga nagbibigay ng pera sa bansa, di ba? — so dapat hindi sila discriminated kapag babalik sila sa lupang sinilangan di ba? — so dapat ayusin ng mg opisyal ng gobyerno kung papano sila hindi na dadaan sa butas ng karayom kapag paalis na sila ng bansa, ang laki na ng ng ginastos dahil naipagshopping ang buong barangay at nagpapiesta sa bayan na imbitado pati ang gubernador at mayor ano. tapos makakabahin ba sila na baka hindi sila umabot sa flight nila dahil sa mga papeles na pwede namang i process kasabay ng pag istamp ng kanilang boarding card o kaya naman ng pagdaan sa immigration officials, di ba?

icomputerize na yan, tutal naman ang POEA ay kasali sa pamahalaan di ba? dapat online sya. kapag nag apply as OFW, nasa passport naman na OFW din sila di ba? edi dapat andun na rin yung clearances nila. tapos halos lahat naman ng OFW e masunurin, pumipila sila dun sa may karatulang ‘PARA SA OFWs, ang heroes ng pinas’. kaya alam na alam na kung OFW nga sila. proud OFWs nga sila e. heroes nga di ba?

pero kung ganito naman na iclear pa daw sila para lumabas ng bansa, aba naman, e kung hindi sila umabot sa flight nila dahil hindi sila ma clear? papano kung wala silang oras para magpabalik balik para sa clearance nila dahil nakaratay na si ama o si ina? papano kung biglang dapat silang bumalik sa bansang pinagtatrabahuhan nila at di pa sila clear? ay, lintek — ayaw ko ng mga ganyang scenario ha.

siyempre kapag bakasyon mo, gusto mo relax. gusto mo kasama ang buong pamilya (alangan naman lahat bitbitin para sa clearance!!!). gusto mo sa yo oras mo. gusto mo kapag paalis ka na e yung galak ang maiiwan sa yo dahil asa pinas ka at kasama ang mga labs mo sa buhay. pero kung ang iintindihan mo pa e yung clearance na yan? ay…. parang… hindi nga talaga heroes ang mga OFWs. sila ang mga discrimanted pipol op the pinas. ang mga pinaghihintay. ang mga pinapipila. ang mga pinaglalaruan. pero teka, hindi naman eng eng ang mga OFWs di ba? sino kaya ang eng eng sa istoryang ito? sino kaya ang paurong sa istoryang ito? sino kaya ang dapat papilahin, papirmahin, paantayin at pingpongin sa mga bagay na ganito?

ano ang sagot????? hmpp. hindi ako galit ha. nagtatanong lang.

eksyus me, saang bansa ba merong clearances na pinipirmahan ang mga overseas workers nila? mag research nga ako at mai-blog sa sunod.

Hunyo 9, 2011

House and Lot for Sale (Haus gesucht?)

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 7:55 umaga

Located in Hemsbach, Baden-Württemberg, Germany. Near the center of the city, 6 bedrooms, 2 bathrooms, 488 sqm, double garage. The balcony offers a space for expansion. Constructed in 1900, renovated in 1972 and 1994. Double glazing, heat-insulated roof. Partially renovated, available immediately. Price: 220,000 Euro

PLEASE CALL: +49 – 1577- 3941206 or email: hartmut.erhard@yahoo.de

Hemsbach-Ortsrandlage, jedoch zentral: 6 Zi., 1-FH, Wfl. 140 qm, Nfl. 50 qm, Grdst. 488 qm, Doppelgarage, Blk., G-WC, Garten, TGL-Bad, Balkon mit Vergrößerungs-Potential zur Terrasse. Umbaumaßnahmen 1972 und 1994. Isolierverglasung, wärmegedämmtes Dach. Teilweise renovierungsbedürftig., frei ab sofort. Preis: 220,000 Euro

Hunyo 5, 2011

Hoarding and panic buying in paranoid times

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 1:41 hapon

Noong una, punong-puno man ng grocery at ibang items ang aming sasakyan, hindi iyon nangangahulugang nag-panic buying na kami. Normal lang yun. Kasi ang layo ng pinagbibilhan namin ng karamihan sa mga pangangailangan. Kaya para hindi sayang ang gasolina, bumibili na kami ng mga gamit para sa tatlong buwan. Lalo na kapag special offer, naku, mas lalong hindi magkasya yung mga binili at minsan nga, may karga pa kami sa aming upuan. Sayang naman yung matitipid namin lalo na kapag buy one take two, di ba?

Kaso mo nung nung nalubog lahat ng gamit kasama na pati pagkaing naka-stock sa aming bahay nuong Ondoy — nakita ko na hindi pala din maganda ang mag-hoarding. Kasi sayang din naman. Yung ibang gamit nasira o kaya naman naging mabaho kaya di na rin nagamit pa; yung mga pagkain naman dahil nabasa ng baha, edi hindi na rin mapakinabangan. Tinapon na rin at baka kung anong sakit pa ang abutin.

Tama nga bang mag-hoard o tama lang bang yung tama lang ang ipunin? Ako hindi na ako nag-hoard ngayon. Yung mga gamit na hindi naman namin kailangan, pinamigay o ibinenta ko na lang. Yung mga gamit na nagiipon lang ng alikabok, kasali yun sa nawala. At maraming pang iba.

Basahin dito.

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers