Kwentong Kengkay

Enero 9, 2012

Missing: Noemi C. Lagman (UPDATED)

Filed under: Pinas — kengkay @ 11:33 umaga
Tags: ,

NOEMI IS BACK HOME!!!! From FB again:
January 10, 2012 11:10PM Noemi Lagman UPDATE: Noemi Lagman has been found and she is now safe. Our deepest gratitude to all of you who helped us. For the final time regarding this issue, I hope you can click once more your likes, comments, and share buttons. Everyone deserves to know. It was through social media wh…ere we got the first lead and it has played a vital role in connecting all of us. We were advised by the authorities that information on how and where she was found be kept confidential for her and her family’s security and privacy. We ask for your understanding on this matter. As of this writing, there are 213 likes, 111 comments, 96 tags, and a staggering 8,114 shares on my facebook wall on posts regarding Noemi. A total of 8,534 online activity. We ask the Lord to bless 8,534 times all of you who helped us during this time. This does not include online and offline activities that I could not quantify anymore. It has been an exhausting and emotionally draining 100 hours of non-stop search, the longest 100 hours of our lives, something we will never forget. Finally I want to share with all of you the lesson we learned from this experience: love your family, love them tirelessly, love them unconditionally, because at the end of the day, it’s what matters. Marami pong salamat at pagpalain po kayong lahat. Allan Lagman Capulong (Noemi’s Kuya Pinsan) Noel Lagman (Noemi’s Father)

———

please help find noemi c. lagman.

i saw this in FB and decided to post, just in case someone would pass by my blog and recognize her.

NOEMI LAGMAN (21, 4’10, mid-heavy build, morena) a student of Asia Pacific College, Magallanes left her house at Multinational Village, Parañaque, January 6, 2011, around 9am-10am to enroll carrying a substantial amount of money. She was last seen at the entrance of Multinational Village near Duty Free, Parañaque. Her usual route going to school is from Multinational Village (Parañaque) to Heritage Hotel EDSA (Pasay) and to Asia Pacific College, Magallanes (Makati). It seems she has never reached school (the school confirmed that she didn’t get to enroll). Her mobile phone can’t be reached since that night.

Please reblog, please help. Thank you.

PERSONS TO NOTIFY:

NOEL LAGMAN (Father) +63921-500-1468

ALLAN CAPULONG (Cousin) +63917-887-9292

i hope noemi would be home to her family soon. we are praying for you!

Enero 8, 2012

malagkit. it’s more FUN in the philippines!

ang malagkit

hindi ko mapigil maki-share sa campaign ng DOT:It’s more fun in the Philippines. kasi super agree naman talaga ako.

at isa ang malagkit kaya mas masaya sa pinas.

ang saya yatang kumain ng tunay na malagkit: suman, kunsinta, puto, bibingka, palitaw, bico, pandan, sapin-sapin, belekoy, ube, kulangot ni nonoy (yung pagkain na sinusundot, heheeh), binatog, okoy, minatamis sa bao, ginataan, bola-bolang kanin, kamoteng kahoy, cassava cake, ma…

hmm, ano pa nga bang malagkit na pagkain sa pinas na super sarap???

malagkit. kaya naman tunay na it’s more fun in the philippines!

Disyembre 30, 2011

Happy Birthday daw, Lolo Jose?

Jose Rizal Park in Germany

edi ba kamatayan ni lolo jose ngayon??? alam ko ang birthday nya ay tuwing Hunyo 19. kasi pareho kaming gemini (atsaka kabertdey nya rin ang aming aso na sana maging hero din)

nga pala sa mga naghahanap kay lolo jose sa heidelberg… wala po sya dun.

sya po ay asa wilhelsmfeld. sa isang maliit na baryo na malapit sa heidelberg. duon ay mayroon syang jose rizal park, at meron ding jose rizal street.

atsaka may mga monumento dun kung saan sya nakatira dati. sa isang bahay ng pari na malapit sa isang simbahan.

at dun din sa park na iyon nagcecelebrate ng kanyang kabertdeyan. at may mga knights of rizal din na madalas mag celebrate dun.

yung mga bisita naming pinoys? talagang gustong-gusto nilang makita ang jose rizal park. kaso madalas heidelberg ang banggit nila. e kasi nga, mas kilala ang heidelberg atsaka dun naman talaga nag-aral si rizal, hindi nga lang sya dun tumira.

nuong kapanahunan ni rizal, inaabot sya ng tatlong oras na lakad bago makarating ng kanyang unibersidad… ibang klase ano?

hero talaga sa kanyang determinasyon pa lang na matuto. kaya naman please lang, kapag disyembre ay kamatayan ni lolo jose. kapag hunyo ay kapanganakan. keep those in mind!

kundi masama pa kayo sa masangsang na isda ;-D

Disyembre 24, 2011

andito na ang reindeer

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 12:42 hapon

maligayang bati sa iyong kaarawan, dear baby jesus.

dito sa alemanya, ikaw ang kinikilalang nagbibigay ng mga regalo tuwing pasko.

kaya naman excited talaga ang mga bata kapag kaarawan mo, dear baby jesus.

sa inyong lahat, enjoy the party. huwag kalimutan na batiin si baby jesus ng happy birthday!!

nga pala, andito na sa amin ang reindeer. subukan naming turuang lumipad para naman makarating din sa inyo :-D

Disyembre 21, 2011

Pamaskong Belen Galing SM

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 2:22 hapon
Tags: , ,

katulad ng aming parol, nagbitbit din ako ng made in pinas na belen dito sa alemanya.

kasi basta Pasko, hindi pwedeng mawala ang pamaskong Belen sa mga dekorasyon sa bahay.

meron kaming Belen na binili namin sa alemanya. kaso mo nakasama sya sa mga na-ondoy nuong 2009 e.

para naman hindi kami mawalan ng belen, na isang tradisyon na kapag pasko; bumili kami ng belen sa SM.

kapag pumunta ka sa SM; naku ang gaganda ng belen. gawa pa kamo sa tradisyonal na kasuotan ng pinoy. atsaka iba’t ibang designs, maraming mapagpipilian.

simple lang ang binili namin. pero kahit na simple sya, rock naman :-D

 

eto itsura ng dati naming belen. click.

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers