mga kapatid, pagkakataon na para maipagmalaki ang pinas at kailangan ko ang tulong ninyo
ang aking little kengkay ay naatasang mag-report tungkol sa pinas. as in, special request ng kanyang titser. imagine, lahat ng kanyang kaklase ay tungkol sa alemanya ang dapat na i-report pero sa kanya naiba ang ihip ng hangin, talagang may interes ang mga titser at ang kanyang mga kaklase sa pinas.
ngayon eto ang tanong ko. para sa inyo, alin ang top 10 destinations sa pinas?
mayron akong sariling listahan pero hindi sya partikular e at kulang pa ng dalawang destination:
boracay dahil sa beach, palawan dahil sa underground river, bohol dahil sa chocolate hills, cebu dahil sa beach, batangas dahil sa diving, batanes dahil sa kakaibang tradisyon, mountain province dahil sa rice terraces…
ano sa tingin ninyo? aling destinasyon ang dapat naming isali sa kanyang report para naman dumami ang turistang alemanya na pupunta sa ating bansa dahil sa maganda naman talaga ang pinas, di ba?
sa totoo lang, papuntang thailand kasi kadalasan sa kanila e. sa totoo lang, mas maganda naman ang pinas kaso mo, kulang sa promotion atsaka may konting kulang din sa atin, pero kapag alam nilang maganda sa pinas, malilimutan nila ang mga kakulangan.
salamat sa tulong!

